Wala sigurong tatanggi sakin kapag sinabi kong ang ang pinakamakulay na batch ng mga seminarista ay ang batch ko, ang first year seminarians. Hayaan n’yo na, speech namin ito para sa batch e. Hintayin nyo na lang ang turn ninyo.
Kung hindi kayo naniniwala, eto ang ebidensiya:
Ilang beses nga ba kaming nag-batch conference? Huwag na nating isama ang mga pagkakataong kailangang kausapin kami ni Fr. Mols bilang isang batch. Bukod sa third years at sa fourth years, wala nang madalas kausapin si Fr. Mols sa office niya kundi ang batch namin.
Kayo na ang mag-isip kung bakit kami palagi ang kausap ni Fr. Mols. Basta, secret na lang iyon.
Pero hindi namin ikinakahiya ang mga taong nagbigay ng kulay sa batch namin. Ka-batch namin sila, mananatili namin silang kapatid, kahit na ano pa man ang mangyari. Mahal namin sila.
Halos limang buwan na ang nakaraan nang tahakin namin ang mundo ng seminaryo.
Ang seminaryo pala ay hindi lang isang mataas na bakod na humihiwalay sa tunay na “mundo.” Ito’y isang mundong may sariling kultura, at buhay. Nakakayanig, pero masaya.
Masaya
Pagpasok namin sa mundong ito, nakakatuwang malaman na may mga kuya kami sa loob. Hindi na namin kailangang panghinayangan pa ang mga kaibigang iniwanan sa labas.
Nung naging first years din kayo, may mga tinawag din kayong kuya. Wala nang bago dito, pero gusto lang namin sabihin sa inyong isa kayo sa “best” na nangyari sa buhay ng batch namin. At kahit na maging second year na kami sa susunod na taon, kayo pa rin ang titingalain namin. Saludo kami sa inyo!
Kung hindi dahil sa inyo, hindi kami natutong magdasal ng taimtim sa meditation, tumugtog ng instrumento, mag-dribble ng maayos, umistapeki sa field at pati magkusot ng damit. Maraming salamat, ang dami naming utang sa inyo! Ebe nemen…
Maraming nagsasabing bukod sa magagandang lalaki, mababait daw kami. Disiplinado sa work, masipag sa pag-aaral, at anu pa ba….
Kung meron mang maipipintas sa amin, iyon ay ang pagiging magkakaiba namin.
Hindi madaling makisama sa mga taong iba ang trip sa buhay. Hanggang ngayon, may mga pagkakataon pa ring may kailangan kaming pag-awayan pare
Ang gabing ito ay nagtatampok sa pinakamagandang ala-ala natin nuong nakaraang semestre. Masasabi naming marami kami nito. Hindi lamang dahil nagdulot ito ng ngiti sa amin,ngunit dahil hahawakan namin ang mga ala-alang ito sa hinaharap kung saan nagbabadya ang unos na maaaring magpabagsak sa amin.
Ang ala-alang iyon ay hindi lamang umikot sa batch namin. Ang mundong aming ginagalawan ay ang mundo natin. Ang amin ay inyo din. Nakikiisa tayong lahat sa piraso ng lupang ito na
Sa ganang amin, ang pag-aalaala ay hindi lamang upang maging sentimental, hatid nito sa bawat isa sa atin ang katotohanan ng buhay na may aral tayong makukuha sa bawat pangyayari na nagaganap sa ating sarili.
Masaya man o malungkot, magulo man o payapa.
No comments:
Post a Comment