Dahil nag-aral ako sa University Belt sa Manila, bahagi ang kalye ng Recto ng buhay kolehiyo ko. Hindi lang ako minsang inalok ng "Boss, diploma!?"
At dahil mistulang naging isang matagumpay na industriya ang kalyeng ito ng pagawaan ng diploma, hindi lang ito sinasadya ng mga taong gusting magkaroon ng instant diploma.
Binansagan itong "University of Recto."
Pero natuklasan kong hindi mo na pala kailangang bagtasin ang kalyeng ito para marinig ang patuksong paanyaya na ito. Kasi kahit sa mismong kolehiyo, puwede ka nang magkaroon ng diploma kahit na hindi mo tapos ang kurso mo.
Isang dating estudyante ko ang nagsabi sa akin nito. Itago na lang natin siya sa pangalang Pedro. Tinanggal ko ang mga pangalan ng registrar, at maging ng iskwelahan para hindi ako malibelo.
Pedro: bumalik pla ko dun sa ***
Pedro: kinuha ko ung mga sinubmit ko
Donnie Duchin: tapos?
Pedro: pnta ko sa reg(istrar)
Pedro: kay mam ****
Donnie Duchin: hindi ko siya kilala e
Pedro: kinuha cel number ko
Donnie Duchin: tapos...
Pedro: pra daw confirm ako kng kelan pwede knin ung trnscript at kung anu anu
Pedro: tas, Monday, txt nko
Pedro: kc d ba wala akong dploma (he has not finished his studies yet)… e kylngan k lng nmn ung trnscript pra may pkita sa work
Pedro:tas sabay alok nya sakin
Pedro: gsto mo diploma
Pedro: na release ko sayo
Pedro: pro bbgyan ntin c dean
Pedro: 5k daw
Pedro: sabi ko cge wag na po.
Kagabi sa goodnight talk ni Fr. Mike, binahagi niya sa amin na ang korupsyon daw ay hindi na lang "systemic." Ito daw ay kumalat na sa kultura ng ating bayan. Hindi ko kaagad naintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.
Pero nang marinig ko ang kuwento ng estudyante ko, nanindig ang balahibo ko.
No comments:
Post a Comment